Ang mga CFD ay kumplikadong mga instrumento at mayr mataas na peligro na mawala nang mabilis ang pera dahil sa leverage. Dapat mong isaalang-alang kung kaya mong harapin ang mataas na peligro ng pagkawala ng iyong pera. NAKUHA KO

Ang mga CFD ay kumplikadong mga instrumento at mayr mataas na peligro na mawala nang mabilis ang pera dahil sa leverage. Magbasa ng higit pa

FAQ

Tuklasin ng Mahigit Pa Tungkol sa XPro Markets

Ano ang minimum na halaga para sa deposito sa XPro Markets?

Ang minimum na deposito ay 250 EUR/ USD at 34,500 JPY.

Posible bang magrehistro na hindi nagdedeposito?

Oo, ngunit hindi ka makakapag-trade.

Anong mga pananalapi ang maaari kong ideposito?

Maaari kang magdeposito ng mga pondo sa mga sumusunod na pananalapi: EUR, USD, JPY.

Maaari ko bang kanselahin ang aking withdrawal?

Maaari mong kanselahin ang iyong withdrawal basta’t hindi pa naiproseso ang pagpadala nito.

Ano ang minimum na halaga para sa withdrawal sa XPro Markets?

Ang minimum na halaga para sa mga withdrawal mula sa iyong XPro Markets account ay 10 EUR/ USD o 1,500 JPY para sa Credit Card at 100 EUR/ USD o 150,000 JPY naman para sa Wire Transfer. Kung gumagamit ka ng mga e-wallet, maaari kang makapagwithdraw ng anumang halaga basta’t saklaw nito ang naaangkop na bayarin.

Paano ako hihiling ng withdrawal?

Kakailanganin mong mag-sign in sa iyong account at sundan ang mga tagubilin sa pahina ng withdrawal.

Gaano katagal bago maiproseso ang aking withdrawal?

Tumatagal ng humigit-kumulang 8-10 araw ng negosyo bago mo matanggap ang iyong withdrawal. Mangyaring tandaan na maaari itong magbago batay sa iyong lokal na bangko.

Maaari ba akong mag-withdraw habang meron akong mga bukas na posisyon?

Oo, maaari kang mag-withdraw kahit kailan basta’t mayroon kang sapat na margin sa iyong account upang bayaran ang halaga ng withdrawal at anumang karagdagang bayarin na maaaring lumitaw.

Ano ang mga bayarin sa pag-withdraw sa XPro Markets?

Nakareserba ang karapatan ng Kompanyang magpataw ng bayarin sa withdrawal batay sa mga pangyayari. Matatagpuan mo ang lahat ng nauugnay na impormasyon sa dokumentong pinamagatang General Fees. Mangyaring basahin ito nang mabuti.

Ano ang dapat kong gawin kapag hindi gumagana ang aking Trade Area?

Mangyaring makipag-ugnayan sa aming pangkat pangsuporta o di kaya’y sa iyong nakatalagang account manager sa lalong madaling panahon upang matugunan namin ang problema sa pinakamabilis na pamamaraan.

Ligtas at protektado ba ang aking pansariling impormasyon?

Ligtas at protektado ang pagkapribado ng lahat ng impormasyon. Para sa layuning ito, gumagamit kami ng makabagong teknolohiyang panseguridad at 128-bit SSL na encryption. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang aming Patakaran sa Pagkapribado.

Mayroon bang mga ispesipikasyon ng kompyuter upang makapag-trade sa XPro Markets?

Tinuturing na gumagana ang isang kompyuter kapag nagtataglay ito ng: Explorer 8.0, Google Chrome 4.0, o Firefox 3.6. Bukod dito, maaaring kailanganing mag-install ng Flash Player.

Reguladong broker ba ang XPro Markets?

Walang bahid ng alinlangan! Ang XPro Markets ay sumasailalim sa pamamahala ng UKUCHUMA FINANCIAL SERVICES (PTY) LTD, isang Kumpanya ng Pamumuhunan sa Timog Africa (lisensya blg.: 32535). Ang ibig sabihin nito ay mayroong mga kumakatawang tagapangasiwa na nagmamatyag sa aming mga operasyon upang tiyakin ang seguridad ng aming mga kliyente. Bisitahin ang aming pahinang Ligal upang basahin ang lahat ng impormasyon tungkol sa lisensya at sa regulasyon.

Ano ang minimum na edad upang makapag-trade sa XPro Markets?

Upang makapag-trade, kailangan ay higit 18 taong gulang ka na.

Ano ang Margin?

Ang margin deposit ay isang seguridad na dapat ideposito ng trader sa broker upang panagutan ang ilan sa mga panganib na ginagawa ng mangangalakal. Karaniwang inilalarawan ito bilang porsyento at kumakatawan ito ng bahagi ng isang posisyon ng pangangalakal. Maaaring isipin ang margin bilang deposito sa lahat ng iyong mga bukas na posisyon.

Ano ang Margin Call?

Ipinahihiwatig ng mga margin call na ang isa o higit pang seguridad sa loob ng margin account ay bumaba ng halaga. Merong Margin Call Level na 100% ang XPro Markets. Ang ibig sabihin nito ay magpapadala kami ng abisong babala kung ang antas ng iyong margin ay umabot ng 100%, na nagpapahiwatig na 100% ng iyong kasalukuyang equity ay katumbas o mas mababa pa sa iyong Used Margin o ginamit na margin.

Ano ang stop-loss order?

Ang stop-loss order ay isang limit order kung saan ang isang trade ay isinasara kapag umabot ng isang tukoy na presyo. Ang layunin ng mga stop-loss order ay limitahan ang pagkatalo ng isang mamumuhunan tuwing nangangalakal ng isang seguridad.

Anong mga Plataporma ng Trading ang inaalok ng XPro Markets?

Sa XPro Markets may pagkakataon kang pumili mula sa dalawang platapormang pang-trading: ang MT4 na kilala sa buong mundo (para sa desktop o mobile) at ang napakadaling gamitin na WebTrader.

Ano ang Leverage?

Ang Leverage ay isang mahalagang katangian ng pangangalakal ng mga CFD sapagkat pinahihintulutan nito ang mga namumuhunan na palawakin ang kanilang pagkalantad sa merkado sa pamamagitan ng pagbayad ng mas mababa sa kabuuang halaga ng pamumuhunan. Pinahihintulutan ng XPro Markets account ang paggamit ng leverage sa pamamagitan ng margin trading. Mahalagang alalahanin na ang leverage ay maaaring palakihin ang pagkapanalo at pagkatalo.

Paano ako magsagawa ng awdit ng mga nakaraang deposito at withdrawal?

Maaari mong makita ang lahat ng iyong mga nakaraang transaksyon sa pamamagitan ng pagsign-in sa iyong account at pagpili ng ‘Kasaysayan ng mga Transaksyon’. Doon mo matatagpuan ang lahat ng nakaraan at nakapending na mga transaksyon.

Paano ko titingnan ang balanse ng aking trading account?

Ang balanse ng iyong account ay matatagpuan sa tuktok ng pahina kapag nakapag-log in ka.

Ano ang dapat kong gawin kapag nagbago ang aking pansariling impormasyon?

Dapat mong ipaalam ang anumang pagbabago sa kumpanya. Maaari mo itong baguhin sa iyong account o sa pamamagitan ng aming suportang pangkliyente.

Anong mga uri ng account ang inyong inaalok?

Nag-aalok kami ng 4 uri ng personalisadong mga trading account upang tumugon sa iyong mga pangangailangan. Tuklasin ang higit pa tungkol dito sa seksyon ng Trading Accounts ng aming website.

Anong leverage ang inaalok ng inyong mga trading account?

Nag-aalok kami ng maximum leverage na 1:400 para sa bawat trading account.

Paano ko mabeberipika ang aking trading account?

Hihingin ng XPro Markets ang sumusunod na dokumentong pamberipika na dapat isumite, na ibinigay sa pangalan ng nagmamay-ari ng account:
1. Wastong Katunayan ng Pagkakakilanlan – Identipikasyong may larawan, kabilang ang pasaporte (dapat makita ang magkabilang pahina), ID card (magkabilang panig), o lisensya sa pagmamaneho (magkabilang panig).
2. Wastong Katunayan ng Paninirahan (inisyu sa loob ng nakaraang 6 buwan) – Statement mula sa bangko o credit card (tinatanggap ang mga elektronikong kopya tulad ng PDF) o kamakailang bayarin para sa mga serbisyo (tulad ng tubig, kuryente, telepono, internet, o buwis). Mangyaring unawain na hindi kami tumatanggap ng bayarin para sa Mobile Phone.
3. Tiyakin ang iyong pamamaraan ng pagbayad sa pamamagitan ng pagpapadala ng litratong may kulay ng magkabilang panig ng iyong credit o debit card, na malinaw na ipinapakita ang unang 6 at 4 na tambilang ng naturang bilang ng Credit o Debit Card. Siguraduhing nakatakip ang CVV sa panlikod na panig.
4. E-wallet – mangyaring magpadala ng isang screenshot ng e-wallet na ipinapakita ang iyong pangalan, email, at e-wallet ID na kinuha mula sa iyong kompyuter.

Paano ako makakapag-log in sa aking account?

Upang gamitin ang iyong account, pindutin lamang ang ‘Login’ button sa kanang bahagi ng website sa itaas, at ilagay ang iyong username at password.